Maja sa pagkikita uli nila ni Lloydie: He’s very, very happy


TUMANGGING magbigay ng detalye si Maja Salvador tungkol sa muli nilang pagkikita ng kaibigang si John Lloyd Cruz kamakailan.

Nag-post sa Instagram si Net Rustia ng isang photo kung saan kasama niya sina Maja at John Lloyd. Si Net ay handler ng dalawa sa Star Magic.

Ito ang caption na nakalagay sa nasabing IG photo, “Thank you for keeping in touch! Sana mas madalas dalas tayo magkita ngayon hindi lang sa txt Hahaha!

“Alam mong mahal kita my panganay (hearts emoji) and I’m happy for what you have and for what you are now, andito lang ako hindi nagbabago kung anu ang pinagsamahan natin mula nuon hanggang ngayon! Love you anak!”

Nagkomento naman si Maja sa comments section ng, “Ampogi talaga!”

Sa isang panayam kay Maja, sinabi ng aktres na maligaya siya para kay Lloydie, pero tumangging magkuwento tungkol sa kanilang pagkikita.

“Sa akin na lang yun. Nakita niyo naman kung gaano kaganda yung aura niya ngayon. So he’s very, very, very happy. Period. As much as possible, ayaw kong magbigay ng detalye.

“I want to respect him. Gusto ko respetuhin yung friendship na meron kami. Yung trust na naibibigay sa akin,” aniya pa.

Sa tanong kung malapit na bang bumalik sa showbiz si John Lloyd, tugon ni Maja, “Uhm, yung mga bagay na mga ganyan, wala iyan sa topic namin. Parang ‘pag nagkikita kami palagi hindi kami artista.”

Read more...