Luis hindi kasama sa 2018 ABS-CBN Station ID


BAGO mabigyan ng malisya, agad nagpaliwanag si Luis Manzano kung bakit hindi siya mapapanood sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID.

Isang netizen kasi na may handle na @kp_nation2 ang nag-post ng bagong Christmas station ID ng Kapamilya Network.

Tinag ng netizen ang ilang Kapamilya celebrities na nasa video at nilagyan ng caption na, “400 Kapamilya Stars in one CSID! and much awaited part @reginevalcasid MALAPIT NA!!”

Ilang followers ni Luis ang nagtanong kung bakit wala siya sa video na sinagot niya ng, “Nope, wala ako sa station ID! I’m sure it’ll be awesome though!”

Tanong naman ni @MrChaperoneTBox kung bakit wala siya sa station ID, tugon ni Luis, “I’ll be out of the country. Vacation naman.”

Read more...