Arjo hiwalay na sa GF kaya libre nang mahalin si Maine

ARJO ATAYDE AT MAINE MENDOZA

SA unang pagkakataon ay nagsalita na ang ex-girfriend ni Arjo Atayde na si Sammie Rimando at umaming naghiwalay na sila ng aktor.

Sabi nito sa panayam ni DJ Jhai Ho, “It’s for the better naman po. Napagdesisyunan namin na, sa ngayon, focus muna ako sa career ko din. Siya din, happy rin ako para sa kanya. Ang dami niyang projects. Syempre, andoon pa rin po yung full support ko para sa kanya.”

Hayan, siguro naman ay matitigil na ang bashers at ng lahat ng nagsasabing niloko ni Arjo ang dating kasintahan.

Hindi pa rin kasi inamin ni Arjo sa publiko ang tungkol dito pero nasabi na niya ito sa amin. Naisulat na namin ito sa aming column kaya malaya na silang magmahal ng iba at nagkataong naunang nakatagpo ng bagong mamahalin ang aktor.

For the record, matagal nang magkakilala sina Arjo at Maine Mendoza bago pa sila mag-shoot ng pelikulang “Jak Em Popoy” na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Read more...