Bagong dyowa ni Paolo nilait ng bashers: Paiiyakin ka lang niyan!


SA gitna ng mga usap-usapan tungkol sa diumano’y bago niyang boyfriend, nag-post naman si Paolo Ballesteros sa Instagram ng litrato nila ni Kenneth Gabriel Concepcion.

Makikita sa photo ang dalawa habang magkasamang kumakain sa isang restaurant. May caption itong, “Siopao and steaks!” na may kasamang emoji ng pusa at oso at naka-tag si Kenneth na may handle name na @i_lovegab.

Ayon sa followers ng dalawa, pusa at oso raw ang terms of endearment nila sa isa’t isa. “Oso” ang tawag ni Kenneth sa kanyang sarili habang cat-lover naman si Paolo.

Nauna nang nag-post si Kenneth ng litrato nila ni Paolo kamakailan habang kumakain din sa isang resto somewhere in Quezon City. Mabilis itong kumalat sa social media kaya muling umingay ang chika tungkol sa lovelife ni Paolo.

Sa latest IG post ni Paolo, maraming nag-congratulate sa kanila ni Kenneth. May mga nagtanggol din sa TV host-comedian laban sa mga bashers na nagsabing gagamitin lang daw nito si Paolo at hindi raw sila bagay dahil hindi kagwapuhan ang guy. Paiiyakin lang daw siya ni Kenneth at iiwan din kapag nagsawa na.

Komento ni @_johnpaul2007, “Proud of you @pochoy_29 sobrang talino ng anak mong babae para maintindihan nya ito… haist. Sana gnyan din ako.”

Sey naman ni @jowapaofc, “Oorasyunan na namin ito. Wag mo lang syang paiiyakin.”

“In love na naman c Paolo. OK let’s count 1, 2, 3 months. Joke lng. Kung happy ka happy kami. Yan ang kailangan natin sa buhay,” sey ni @agnespalma

Pagtatanggol naman ni @bunny74child @jessicaclaire6 kay Pao kontra haters na nagsabing makasalanan daw ang aktor, “Don’t judge someone based on what you see. You have no idea what he had to go thru to get access to his daughter.”

Read more...