Kandidata ng Puerto Rico sa Miss World 2018 ka-look alike ni Liza


EXACTLY a month from now ay gaganapin na ang Miss World sa Sanya, China kung saan si Katarina Rodriguez ang kinatawan ng bansa.

Siyempre, the entire nation—lalung-lalo na ang sankabayutan—pins its hopes na sana’y maiuwi natin ang korona tulad ng tagumpay ni Megan Young years ago.

Medyo hindi lang kami kumbinsido sa napanood naming forecast on the internet, may inilabas kasing Top 15 among the MW candidates. Sadly, Katarina is not on the list.

Somehow ay naaliw kami sa isa sa kanila, kay Dayana (as spelled in the graphics but Dayanara when voiced-over) Martinez of Puerto Rico.

A quick look at the Hispanic beauty would make one ask, “Teka, kambal ba ito ni Liza Soberano?”
May pagkamorena lang si Dayana but she registers like Lisa’s twin sister, kaya maitatanong mo if they’re separated at birth.

Lizang-Liza nga ang itsura nito from the many angles sa kanyang litrato. Mukhang mangangabog ito sa mismong pageant night.

Bigla tuloy naming naalala na matagal na ring inaawitan si Liza mismo ng local pageant organizer to vie for the crown. Of Filipino-American ancestry, tiyak na may kalalagyan ang aktres if she so decides to try her luck.

q q q

Who says na hindi pa maaaring mangampanya ang mga pulitikong tatakbo sa darating na eleksiyon as the campaign season will officially kick off sa March pa next year?

Not in the case of this family who thought of an ingenious way para mailusot nila (with subtlety) ang kanilang campaign efforts.

Isang lider ng simbahan ang nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan. Splashed over the pages of a tabloid (not Bandera) were heartfelt greetings mula sa ilang pulitiko. Bago mag-Undas ‘yon.

Eto ang kaibahan sa tatlong full-page paid ads na ‘yon. Dalawa sa mga pulitikong ‘yon ang nagpaabot ng kanilang pagbati nang solo lang (individually).

Iba ang drama (na idinaan sa para-paraan) ng isang “poly-tical” family whose names of the four members (sa bandang dulo ng ad) bore their respective positions.

Nangunguna ang head of the family with a national post he no longer holds but he’s running for. Opposite ng kanyang pangalan ay ang kanyang misis. Right below ay ang kuya naman nito katabi ng kanyang anak.

Bale ba, if one was entertaining morbid thoughts ay iisipin mong epitaph o lapida ‘yon in a single burial lot with all their bones stacked together.

Halooween or “hollow win” for all four of them come May polls?

q q q

Congratulations are due the Legaspi family (Zoren, Carmina and their twins Mavy and Cassy) na pinarangalan ng Pillar of Hope Award ng Eton International School.

Iginagawad ang award na ito sa personalities mula sa iba’t ibang sector na nagsisilbi bilang purveyors of hope.

Nagpasalamat naman ang kambal, “We humbly accept this award and maraming salamat po siyempre sa inyo ’cause you chose us… on behalf of the Legaspi family, thank you again!”

Read more...