Sulat mula kay Lito ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Problema:
1. May girlfriend ako pero wala akong trabaho. Gusto ko nang mag-asawa pero hindi kaya ng bulsa. Natatakot akong matulad sa mga kaibigan at kapatid ko na pagkatapos mag-asawa at magkaroon ng mga anak, naging hikahos ang kanilang mga buhay. Hindi mapag-aral ang mga anak at nabaun na rin sila sa utang dahil nga sa lumalaking gastos ng kanilang pamilya. Naawa ako sa mga pamilyang nagugutom ang mga anak, kaya ayaw ko pang mag-asawa hanggang wala pa akong stable job. Kaya nais ko pong malaman kung kailan ako magkakaroon ng stable job at nang makapag-asawa na.
2. Five years na kasi kami ng girlfriend ko at niyayaya na niya akong magsama kami kasi may trabaho naman siya. Ayaw ko lang pumayag, kasi nga, ayokong makitang naghihirap ang aking pamilya. Kaya gustung-gusto ko na pong magtrabaho para makapagsama na kami at bumuo ng sariling pamilya. January 1, 1983 ang birthday ko at May 1, 1984 ang girlfriend ko, compatible po ba kami?
Umaasa,
Lito ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2), at Taurus naman ang girlfriend mo ay nagsasabing sadyang compatible kayo. Kaya kung sakaling kayo ang magkakatuluyan, may pangako ng maunlad at maligayang pagpapamilya.
Numerology:
Ang bitrh date ninyo ay nagsasabing basta’t sumunod ka lang nang sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, makikita mo, mapapanuto ang buhay mo, kapag nagkatuluyan na kayo, mas mabilis kayong uunlad at habambuhay na liligaya. Basta ang susi, sumunod ka lang ng sumunod sa babaing mapapangasawa mo, sapagkat siya ang suwerte sa buong buhay mo.
Huling payo at paalala:
Lito, ayon sa iyong kapalaran, sa buwan ng Oktubre sa taon ding ito ng 2013 magkakatrabaho ka na dahil sa tulong ng iyong girlfriend. Kapag may trabaho ka na, yayayain ka na niyang magpakasal sa buwan ng December. Sumunod ka lang sa kanya o sa iyong girlfriend at makikita, imbis na maghirap sa pag-aasawa, sa pagtutulungan ninyong dalawa at sa pagsunod sa iyong asawa, tiyak na ang magaganap – uunlad, yayaman at habambuhay na magiging maligaya ang itatayo ninyong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.