Misis pampalipas-oras na lang

By Beth Viaje November 07,2018
share this

Misis pampalipas-oras na lang

By Beth Viaje November 07,2018
share this

ATENG,

Sana matulungan mo ako sa problema ko sa mister ko na babaero.

May kabit po siya at may isa siyang anak doon.

Ang sabi niya ay pampalipas-oras lang daw iyon at naniwala naman ako na hindi niya ito seseryosohin.

Ang kaso sa tatlong taon na nagdaan, parang ako na ang kabit at ‘yung isa ang original na misis.

Minsan na lang ako uwian at parang ako na lang ang pampalipas-oras niya.

Pero mahal ko pa rin ang mister ko, at patuloy akong nagdadasal at umaasa na darating ang araw na matatauhan siya. Ang tanong ko ay kung hanggang kailan ba ang paghihintay kong ito? Sa ngayon, medyo mahaba pa ang pisi ko, siguro dahil mahal ko pa siya.

Tulungan mo ako kung kailan ako dapat bumitaw? Salamat po.

Regina ng Malabon

 

Hindi ko lang maintindihan sa mga asawang babae kung bakit naniniwala kayo na ang kapwa ninyo babae o mga kabit ay pampalipas-oras lang ng inyong mga asawa!

Haler!! Ano sila, kape?!

Pag maligamgam na, ilalagay sa freezer para maging iced coffee tapos pag gusto ulit na maging mainit ay sa microwave naman ilalagay?

Tapos magugulat kayo na pati kayo pala ay ginawa na ring iced coffee ng inyong mga asawa at ilalagay na lang sa microwave paminsan-minsan?! Anong halimbawa ang ipinapakita ninyo sa inyong mga anak na babae? Na pwede silang isaisangtabi at kukunin na lang pag gusto na ng lalaki?

Sa mga anak na lalaki, anong signal ang binibigay ninyo sa kanila? Na tulad ng kanilang mga ama ay pwede rin silang mambabae, mambuntis at ipalit-palit ang schedule between sa kanilang asawa at kabit?!

Haist! Balik tayo sa iyo….ano gusto mong ipayo ko? Nagtitiis ka pa naman, hindi ba? Kaya mo pa namang magtiis, di ba? Mahaba pa kamo ang pisi mo, e.

So kung payag ka sa ganyang set up, e di ituloy mo lang yan! Kung masaya ka sa ganyang sitwasyon, aba’y hindi ka mapipigilan diyan.

Paano siya matatauhan? Ika nga, “he is having his cake and eating it too.” So why change the setup, di ba? Ang sarap ng buhay nya, e! Hindi naman umaangal ang misis niya, payag ang kabit niya, bakit kailangan siyang matauhan?

Ikaw, ituloy mo ‘yang dasal mo at umasa nga na matatauhan siya. Pero sana ipagdasal mo rin iang sarili mo at ang kanyang kabit na kapwa kayo matauhan dahil sa pambababoy sa inyo ng lalaking iyan.

May problema ka ba sa puso, relasyon sa asawa, anak, pamilya, kaibigan o katrabaho? Aba’y i-text na iyan sa 09156414963 o sa 09275373810 at tiyak na may sey diyan si Ateng Beth.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending