Ganito rin ang inflation rate noong Setyembre pero malayo sa 3.1 porsyento na naitala noong Oktobre 2017.
“Mixed movements in the annual growths were posted among the commodity groups,” saad ng pahayag ng PSA.
Sa National Capital Region ang inflation rate ay bumaba sa 6.1 porsyento kumpara sa 6.3 porsyento noong Setyembre.
Pinakamataas naman ang inflation rate sa Bicol Region na pumalo sa 9.9 porsyento.
Ang pinakamababa naman ay sa Central Luzon na nasa 4.4 porsyento lamang.
Ang inflation rate naman sa Cordillera Administrative Region ay 5.2 porsyento at 9.0 porsyento naman sa Region 4-B na nasalanta ng bagyong Ompong.
“Compared with their previous month’s annual rates, seven regions outside NCR registered higher inflation in October 2018, eight regions had a slowdown and one region retained its previous month’s inflation rate.”