Eleazar: Mahigpit na seguridad ipinatutupad sa Bar exams

NAGBABALA si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mga magtatangkang manggulo sa isinasagawang Bar examinations matapos magsimula ang apat na linggong pagsusulit.

“Wala tayong natatanggap na threat dito, pero iba kasi kung handang-handa ang ating kapulisan, it will give a strong signal, una para sa ating mga examiners at sa kanilang pamilya na ligtas na pumunta dito ang mga magsusulit at the same time yung mga supporters na nakikita natin,” sabi ni Eleazar sa panayam sa University of Santo Tomas (UST), kung saan isinasagawa ang Bar exams.

Tatagal ang bar examinations ng apat na Linggo ng Nobyembre (Nob. 4, 11, 18 at 25).

“Ito rin ay magbibigay ng babala dun sa mga maga-attempt na gagawa ng anumang kalokohan at mananabotahe na hindi nila magagawa yun sa ganda ng ating security deployment,” dagdag ni Eleazar.

Idinagdag ni Eleazar na mahigit 400 pulis ang ipinakalat sa palibot ng UST para matiyak ang kaligtasan ng publiko tuwing araw ng pagsusulit.

“The personnel of the Manila Police District, particular Station 4, augmented by other stations, are doing clearing operations every now and then for the duration of this month,” ayon pa kay Eleazar.

Read more...