2 dedo sa salpukan

PATAY ang dalawang lalaki nang masalpok ng isang utility vehicle ang sinakyan nilang motorsiklo sa Labo, Camarines Norte, Sabado ng gabi.

Agad nasawi sina John Carlo Sureta, 19, at Eugene Nolasco, 18, dahil sa matinding pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Bicol regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-9:30, sa Brgy. Masalong.

Minamaneho ng negosyanteng si Esmail Ansar, 32, ang Mitsubishi Adventure mula Maynila patungong Daet nang masalpok ang motor na dala ni Sureta sa isang pakurba at madilim na bahagi ng kalsada, ayon sa ulat.

Read more...