Tetay tuloy lang ang dasal para kay ‘Mr. Right’

SPEAKING of Kris Aquino, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makatagpo ng isang lalaking tunay na magmamahal sa kanya at sa dalawa niyang anak.
May isang netizen kasi ang nagtanong kay Tetay sa Instagram kung posible pa ba siyang ma-in love uli dahil matagal-tagal na rin siyang walang lovelife.
Sagot ni Kris, ipinagdarasal pa rin niya sa Diyos na may dumating na isang responsableng lalaki na makakasama niya for the rest of her life.
“I still pray a responsible man will come into our lives- my sons are missing out, they are both naturally athletic but because SUPER LAMPA AKO and hirap ang katawan sa outdoors- we’re just always indoors,” chika ng Social Media Queen.
Maraming fans si Kris ang umaasa na sila pa rin ni Herbert Bautista ang magkakatuluyan sa huli kahit na nagsabi na noon si Tetay na mukhang hanggang friends na lang talaga sila ni Bistek.
Sey nga ng isang solid KrisTek, “Feeling ko sila talaga ang itinadhana. Sa dami ng mga pinagdaanan nila mukhang sa simbahan din ang kanilang tuloy. Tsaka mahal naman nila ang isa’t isa kaya sana sila pa rin sa ending!”

Read more...