John Estrada nag-emote bilang ama: Akala ko ako lagi ang tama…

INAH DE BELEN AT JOHN ESTRADA

Minsan lang mag-emote si John Estrada sa social media kaya naman ang daming nag-like at nag-comment sa emosyonal na mensahe niya para sa kanyang mga anak kay Janice de Belen.

Nag-post ang kontrabida ni Alden Richards sa Kapuso series na Victor Magtanggol sa Instagram ng mga photo kung saan kasama niya ang kanyang pamilya kabilang ang asawang si Priscilla Meirelles at mga anak kay Janice. Sey ng aktor, napakarami niyang natutunan bilang tatay habang lumalaki ang mga anak.

Narito ang caption niya sa ipinost niyang litrato, “If you want to have a great relationship with your kids, you have to learn to listen to them and their feelings.

“Akala ko nuon dahil isa akong magulang e ako parati ang tama at masusunod, pero [na-realize] ko mali pala yon lalo na kapag matatanda na ang mga anak mo at kung may sarili ng mga isip.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng mga matatalinong anak at mayron ginintuang mga puso. I want to thank my kids just for being them and loving me unconditionally.

“I promise that dad will be here to guide you and most specially to listen to you. I love you. And to my wife I love you so much and thank you. Last night was a great one,” mensahe pa ni John.

Read more...