Segment host ng news program sobrang takaw na, napakaramot pa

MAY kani-kanyang kuwento nga ang mga personalidad na nagtatrabaho sa kani-kanyang linya. Lahat sila ay sumasailalim sa masusing pagsubaybay ng kanilang mga katrabaho.

Kahit ang mga segment hosts ng iba-ibang programa ay napapansin din nila ang mga nakasanayan nang ugali, walang nakalulusot sa mga miron, lahat ay puwedeng maging biktima ng pagpansin.

Kuwento ng aming source, “Like si ____ (pangalan ng isang female segment host ng mga pambalitaang shows), nakakaloka siyang kumain, wagas na wagas, kaya naman kitang-kita ‘yun sa itsura niya!

“Kesehodang uminom pa siya ng mga diet pills para mabawasan ang timbang niya, e, wala ring mangyayari kung parang karpinterong gutom na gutom naman siya kung lumafang!

“Nakakahiya siya, ha? Kahit napaka-formal ng inatendan niyang party, e, talagang lafang nang lafang ang babaeng ‘yun nang good for three days na yata!

“Napakalakas niyang kumain, nagmumukha tuloy siyang PG (read: patay-gutom), grabe siya!” unang chika ng aming impormante.

At may karamutan din kuno ang masyubang female segment host, kapag hinihingan siya ng donasyon ng kanyang mga kasamahan sa kahit anong event nila sa departamento, hindi man lang siya tinatablan.

“Napakarami niyang tinatanggap na regalo tuwing Christmas time. Dating nang dating ang mga gifts sa kanya, hirap na hirap siyang mag-uwi dahil sa dami! Kinakantiyawan namin siya na para mabawasan naman ang mga bagahe niya, e, baka naman puwede siyang magbigay ng kahit anong item lang para sa pa-raffle namin sa department.

“Wishing! Waley! Ayaw niyang mag-donate, e, sangkatutak nga ang tinatanggap niyang pare-pareho lang naman! Tatlong microwave oven, bawasan ng isa, may dalawa pa siya, di ba?

“Pero maramot talaga siya, kahit kailan, e, hindi man lang siya nagdo-donate ng pang-raffle, kahit galing sa sarili niyang bulsa, waley talaga!

“Sabagay, sabi nga namin, ‘yung katakawan niyang ‘yun kapag libre ang lafang, e, kapatid ng karamutan!

Kapag may bayad, hindi siya kakain, pero kapag libre, dyusko, daig pa niya ang hindi kumain nang ilang araw!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakaigsi ng kanyang name para hindi n’yo siya makilala, super-igsi lang, dalawang letra lang!” pagtatapos ng chikadora naming impormante.

 

Read more...