Tax exemption sa guro na magsisilbi sa eleksiyon isinulong

NAIS ng isang solon na bigyan ng tax exemption sa death benefits, honoraria at travel allowances ang mga guro at iba pang kawani na magsisilbi sa eleksiyon.

Inihain ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr., ang House bill 7732 upang maibigay ang 100 percent tax exemption sa matatanggap nilang kabayaran o tulong sa kanilang pag-upo sa eleksiyon.

“Isinasakripisyo ng mga kasapi ng board of election inspectors ang kanilang buhay, oras, at lakas para lamang matiyak ang malinis at maayos na halalan,” ai Belaro.

Ayon sa Election Service Reform Act ang death benefits na matatanggap ng mga masasawi dahil sa halalan ay P500,000.

Makatatanggap naman ng honoraria na nagkakahalaga ng P6,000 ang chairperson ng electoral board, P5,000 sa mga miyembro ng electoral board, ang Department of Education Supervisor Officials ay P4,000; at ang Support staff ay P2,000.

Mayroon din silang P1,000 travel allowance.

Pero hindi umano natatanggap ng buo ng mga guro ang mga benepisyong ito dahil kinakaltasan ng buwis.

Read more...