Bebot pinatay sa motel

NATAGPUANG patay ang isang babae sa isang motel sa Tanauan City, Batangas, Huwebes ng hatinggabi, matapos mag-check in kasama ang di pa kilalang lalaki.

Nadiskubre na lang ng room attendant na nakahandusay sa sahig ang babae, na nakilala lang sa tawag na “Shane, dakong alas-11:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Walang salpot at duguan pa nang matagpuan ang babae sa Room 4A, ayon sa ulat.

Napag-alaman na bago iyo’y dumating ang babae at ang kanyang “guest” na lalaki sa motel sa Brgy. Sambat, lulan ng tricycle, at nag-check in sa naturang silid, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng lalaki.

Read more...