Lola, 2 apo patay sa sunog

NASAWI ang isang matandang babae at dalawa niyang apo nang lamunin ng apoy ang isang grupo ng mga bahay sa Jaro district, Iloilo City, Biyernes ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Natividad Panonciano, at mga apo niyang sina Ivan at Eman Apongol, kapwa menor de edad, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Nagsimula ang sunog sa Zone 2, Brgy. M.H. Del Pilar, alas-3:23.

Natupok ang tahanan ng mga biktima at isa pang bahay, habang bahagyang napinsala ang dalawa pa, ani Malong, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection nang matunugan ang insidente, ngunit nadatnang wala nang buhay si Panonciano at mga apo nito, aniya.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng apoy at halaga ng mga nasirang ari-arian.

Read more...