P100 taas sa daily wage pwedeng ibigay ni Du30

AAPELA ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines kay Pangulong Duterte upang itaas sa P100 ang napaulat na desisyon ng wage board na P25 pagtataas sa arawang sahod sa Metro Manila.

Ayon kay Alan Tanjusay, spokesman ng ALU-TUCP sana ay makaabot man lamang ang itataas ng sahod sa itinaas ng presyo ng bilihin.

“In behalf of all poorly paid 4 million Metro Manila minimum waged workers and their families in Metro Manila who are suffering due to expensive cost of living brought by the astonishing inflation in the past ten months, we are appealing to President Duterte’s kind-hearted ‘malasakit’ to please spare a portion of your presidential powers in favor of the working class,” ani Tanjusay.

Sinabi ni Tanjusay na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng mga manggagawa ang ‘tunay na pagbabago’na ipinangako ni Duterte.

“Now is the time to make businesses profits and country’s economic wealth to truly trickle down to troubled workers who also help built the country economy grow and businesses to thrive but were left behind by flawed policies and greedy businessmen.”

Sa kasalukuyan ay P512 ang minimum na sweldo sa Metro Manila.

Matagal na umanong sinasabi ng gobyerno na maganda ang ekonomiya subalit hindi naman umano ito nararamdaman ng mga ordinaryong manggagawa.

“We urged you Mr. President not to totally believe what all your economic managers are saying. Your economic managers are just lip-servicing you and are not telling you the whole truth. What they are telling you are half-truths to artificially make you feel good.”

Umaasa ang ALU-TUCP na magpapaka-ama si Duterte sa mga manggagawa at kanilang pamilya na pumapasan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Read more...