Apela sa Pangulo

MAGANDANG araw po sa mga bumubuo ng inyong pahayagan, lalo na sa ating mahal na PDU30.

Pwede po ba kaming makahingi ng tulong sa inyo baka kayo na lang pag-asa namin mga CAFGU.

Sana po kung maaari ay maiparating ang aming mensahe sa ating mahal na PDU30.

Sana po ay madagdagan ang aming allowance at benepisyo namin.

Sa ngayon po ay napakamahal ng bilihin na hindi talaga sapat sa ibinibigay sa amin.

Kayo na lang po ang pag-asa namin na maiparating sa Pangulo ang aming kahilingan.

Gusto rin po sana namin na iparating na ang aming uniform at combat ay baka pwede na ring mapalitan na dahil sira-sira na at ilang taon na kaming hindi kami iniisyuhan.

Sana po malaman ng ating Pangulo ang aming hinain.

Kung maaari po ay huwag na lang ipaalam ang aming pangalan.

Maraming
salamat po.

REPLY: Maraming salamat po sa pagtangkilik
sa aming pahayagan at maiparating ang inyong hinaing na sana ay agad na aksyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...