Toni biglang natuyot, parang nalanta ang itsura…may matinding problema?

PAUL SORIANO, SEVE AT TONI GONZAGA

Kailangang bigyan ng atensiyon ni Toni Gonzaga ang kanyang sarili. Hindi lang kami ang nakakapansin na nagmumukha siyang mas matanda kesa sa edad niya ngayon.

Sabi nga ng mga miron, kumbaga sa bulaklak ay mabilis ang paglanta ng singer-actress, parang problemado siya na ewan, kitang-kita ‘yun sa kanyang itsura kapag natututukan siya ng mga camera, lalo na kapag close-up ang shot sa kanya.

Iisa pa lang ang anak nila ni Direk Paul Soriano pero marami nang nakakapansin na mabilis ang epekto ng pagkakaroon niya ng anak sa kanyang kabuuang itsura, kailangang bigyan ng atensiyon ni Toni ang kanyang sarili, bago pa siya magmukhang tita na lang ng kanyang mga kakontemporaryo.

Sabi ng isang kaibigan naming nakapanood kay Toni sa ASAP, “Bakit biglang tumanda ang itsura ni Toni?

Para siyang nawalan ng luster! Para siyang nawalan ng katas!” pasigaw nitong pagpansin.

Masyado kayang napupuyat si Toni sa pag-aalaga sa kanyang anak? Sobra-sobra kaya ang kanyang mga trabaho para hindi mabigyan ng pag-aasikaso ang kanyang sarili?

Kailangang bigyan ng importansiya ni Toni Gonzaga ang mga ganitong aspeto. Bata pa siya, pero mukha na siyang nagiging pabaya sa kanyang sarili, hindi lang naman boses at husay sa pagho-host ang puhunan niya sa pag-aartista.

Read more...