Myrtle lalaban sa gaming tournament sa Thailand

 

MYRTLE SARROSA

KALAHATING milyong piso ang maaaring mapanalunan ni Myrtle Sarrosa kapag siya ang nag-champion sa PUBG Challenger Series, isang gaming tournament na ginaganap ngayon sa Bangkok, Thailand.

Ito ang ibinalita ng Kapamilya actress-cosplayer nang humarap sa ilang members ng entertainment media kamakalawa, bago siya lumipad patungong Bangkok. Isa ang dalaga sa mga representative ng Pilipinas na nakikipaglaban sa nasabing gaming tournament na magtatapos bukas.

“Luckily, may representative this year ang Philippines so, kami ‘yung team na ‘yun,” ayon kay Myrtle.
Matagal nang kinahihiligan ng dalaga ang ang paglalaro ng video games at super excited na siyang lumaban dahil first time siyang magiging bahagi ng isang international gaming tournament.

“Mahilig talaga ako sa video games. Kung papipiliin ako lumabas, mag-party o mag-stay sa bahay, mas gusto ko sa bahay na lang to play. Tapos sumali ako previously sa PUBG Mobile Star. Pumasok ako sa qualifying round kaso hindi kami nakapasok sa finals to be the representative ng Philippines,” pahayag ng singer-actress.

Kahit na nabigo sa unang pagsabak sa gaming tournament, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa, “First time ko mag-qualify para sa isang gaming tournament. Sumasali na ako kaso hindi talaga ako nakapasok.

“But this time I really qualified and I’m grateful for the opportunity na madala ko ang Pilipinas sa isang gaming tounament,” sey ng dalaga.

Bago magtungo sa Thailand, talagang kinarir ni Myrtle ang preparation for the big day. Gagawin daw niya ang lahat para maiuwi ang premyo na $9,400 o humigit-kumulang na P500,000. Bukod pa ‘yan sa karangalang maibibigay niya sa Pilipinas bilang kauna-unahang Filipino na magiging champion sa Omen by HP Challenger Series (PUBG o player unknown battelground na sikat na sikat ngayon sa buong mundo).

“Since gaming is an eSport, it’s really competitive. You really have to train yourself to make sure you keep up with the other countries. Like here, we’re going against gamers from Korea, Vietnam, Thailand, Malaysia, China, Japan, Australia and many others. So you gotta more strategic, more competitive and the pressure to win for your team and also since we’re the only team qualified for Philippines,” kuwento pa ni Myrtle.

Hirit pa ng dalaga, “I’m excited to meet the other gamers from the other countries and also play with the best players from the Philippines. I really hope na through this ,makilala lalo na ‘yung gaming industry sa atin.”

Read more...