P82.50 tapyas sa presyo ng LPG

MAGPAPATUPAD ng big-time price rollback sa Liquefied Petroleum Gas ang Petron Corp. at ilan pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa abiso ng Petron, epektibo alas-12 ng hatinggabi ay magbabawas ng P7.50 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas. May katumbas itong P82.50 na bawas sa bawat 11 kilogram na tangke ng LPG.

May pagbaba rin ng presyo ang Petron na P4.20 kada litro sa auto-LPG.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan para sa buwan ng Nobyembre.

Read more...