500 pulis ipapakalat sa Manila North Cemetery

DAAN-daang pulis ang ipapakalat sa Manila North Cemetery bilang paghahanda sa inaasahang pagbuhos ng mga tao para dalawin ang puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na tinatayang 500 pulis ang itatalaga sa lugar sa bisperas pa lamang ng Undas.

Tiniyak ni Albayalde na madaragdagan pa ito sakaling kakailanganin pa ang karagdagang pulis.

“Wala tayong ilalagay dito, ang mga reserve force natin nilalagay lang natin sa malalaking malls and other places of convergence,” sabi ni Albayalde. “Sa mga sementeryo ipapaubaya natin ito sa mga territorial units natin.”

Idinagdag ni Albayalde na mananatili ang mga pulis sa sementeryo hanggang sa weekend.

Read more...