VIRAL: Hubad na babae nakita sa video greeting ni Cesar Montano

Da who kaya ang hubad na babae na nakita sa video greeting na ginawa ni Cesar Montano?

Kumalat sa social media ang isang video greeting na ginawa ni Cesar Montano para sa isang Kagawad Cris Morales.

Ang ikinagulat ng mga napanood ay isang tila hubad na babaeng makikita sa background kung saan may mga pinulot na gamit.

Dahil sa layo at quality ng video ay hindi pa tiyak kung talaga nga bang hubad o hindi ang babaeng nahablot sa camera. Wala ding nakakaalam kung sino ang babaeng ito.

Screen grab ng viral viral video

Screen grab ng viral viral video

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Cesar tungkol sa video na ito.

Read more...