Nanay,  4 na anak patay sa sunog sa Iligan

PATAY ang isang nanay at kanyang apat na anak, samantalang sugatan ang tatlong iba pa matapos masunog ang isang aparment sa  Iligan City, bago magdaling araw, ayon sa mga otoridad.

Kabilang sa mga nasawi ay ang nanay na si  Elizabeth Baricuatro, 35; at kanyang mga anak na sina  Francis, 14; Jethan, 9; Nathaniel, 7; at Xander, 5, sabi ni  SFO2 Reynaldo Malio, chief investigator ng Bureau of Fire Protection-Iligan.

Natagpuan ang sunog na mga labi nina Elizabeth, Francis, at isa pang anak na lalaki sa loob ng  bathroom, samantalang natagpuan naman ang dalawang iba pang anak na lalaki sa kanilang silid, sabi ni Malio sa panayam ng Bandera. 

Sugatan naman ang mga kapitbahay Roelo Noro, JG Tiongco, at Fel Ann dela Cerna nang tangkaing tulungan ang mga biktima, ayon kay Malio. 

Nasunog ang dalawang palapag na  apartment Jocelyn Alcover sa Purok 4, Zone 2, Sitio Fuentes, Brgy. Maria Cristina.

“‘Yung apoy kasi, ang nakita namin doon, nagsimula malapit sa pintuan, parang wala silang (Baricuatros) malabasan,” ayon kay Malio. 

Read more...