Jessy nagmaldita, tumalak daw sa Shooting; tumangging magpa-pictorial para sa promo

JESSY MENDIOLA

Has Jessy Mendiola become a monster? We’re asking this as there are rumors that she’s hard to deal with.

Currently shooting a movie, slightly a naloka raw ang taga-production dahil sa attitude ni Jessy.

First day pa lang kasi ay nag-inarte na ang girlfriend ni Luis Manzano. Nasampolan na niya ang production staff when she was asked for a few minutes para sa pictorial for promotional materials ng ginagawa niyang movie.

There’s the adprom of the film outfit na pumunta sa shooting para kunan ng pictures ang mga bida. One production assistant came to her van to tell her na ready na ang set up para sa shoot ng adprom.

Gulat na gulat ang PA when Jessy reportedly told him, ‘Bababa ako, kukunan n’yo ko ng piktyur tas babalik ako dito para maghintay na naman na matapos ‘yung set-up n’yo. Ayoko. Wala sa schedule ko yang promo na yan.’

Naloka na lang ang PA sa inasal ni Jessy. Hindi raw ito marunong makisama. Ano naman daw ‘yung konting oras, eh, hindi naman siya kinukunan pa ng mga eksena sa movie.

Teka, tama rin ba ang chikang nakarating sa amin na may drama pala itong si Jessy. Kinausap raw nito ang make-up artist na hilahin siya kapag may fans na lalapit for a sefie.

Anyway, open naman ang pahinang ito for Jessy’s explanation or denial.

Read more...