Jhong nagagamit ang It’s Showtime sa kampanya

 

JHONG HILARIO

Dedma lang din si Jhong Hilario sa mga akusasyon ng ilang katunggali nila sa pulitika na gamit na gamit daw nito ang pagiging host ng It’s Showtime para ikampanya ang sarili.

Hindi man daw niya direktang sinasabi ang kampanya, the fact na meron siyang mga co-hosts na tuwirang binabanggit ang posisyon at lagay niya sa Makati Council, isang malinaw na pamumulitika na raw ito.

“Pwede na ba siyang kasuhan dahil diyan? Dapat kasi parehas lang ang laban lalo pa’t hindi pa naman talaga nag-start ang kampanyahan at hindi pa siya nag-leave sa show niya,” reaksyon ng isang nakausap namin.

Panay naman papuri ni Mayor Abby Binay sa aktor-pulitiko nang makachikahan namin ang alkalde recently.

“Buong pamilya niya, eversince kasama na namin sa hirap at ginhawa. Isa na siguro ang Hilario family sa mga tunay naming kakampi, very loyal at hindi kami iiwan sa laban,” sey pa ni Mayor.

Although maingay nga ang magiging laban ngayon sa Makati dahil magkapatid na Binay ang maghaharap sa eleksyon naniniwala si Abby na matalino at mapanuri na ang mga bontante sa pagpili ng karapat-dapat na umupo sa posisyon.

May mga off the record kaming napag-usapan hinggil sa ilang celebrity politicians sa Makati but we will just keep them at that lalo pa’t napakadisente namang kausap ng lady politician.

Prangka, diretsong kausap, sagot kung sagot talaga sa isyu at hindi nagpapa-impress, ang nagkakaisang paglalarawan sa personalidad ni Mayor Abby nang humarap siya sa entertainment media.

Personally, kung taga-Makati lang ako, sure na siya ng isang boto lalo pa’t taglay niya ang tunay na tatak ng isang UP graduate na matapang, matalas, sincere at palaban.

Read more...