Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni Engr. Genesis Santiago, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nagyari ang aksidente ganap na alas-5 ng umaga sa provincial road sa San Clemente, Tarlac.
Tinulungan ng biktima ang sakay ng motorsiklo na nahulog matapos na makuryente rin.
Idinagdag ni Santiago na dinaanan ng rider ang mga bumagsak na kable ng kuryente mula sa poste na nabuwal dahil sa lakas ng hangin dulot ni Rosita.
“Meron pong natumbang poste, and then yung isa pong naka-motor dadaan siya don, pinilit niyang dumaan kaya nakuryente po siya, nasagi po niya yung kable,” sabi ni Santiago.
“Tapos ito pong casualty natin, tutulungan po sana yung victim, ang kaso po nadamay po siya sa kuyente. So siya po yung namatay ngayon,” ayon pa kay Santiago.
Dinala naman ang sakay ng motorsiklo sa isang ospital, kung saan nasa kritikal na kondisyon din ito.