SWS: Net rating ni Robredo bumaba

BUMABA ang net trust rating ni Vice President Leni Robredo sa third quarter survey ng Social Weather Station.

Nakakuha si Robredo ng 38 porsyentong net trust rating (59 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 20 porsyentong undecided at 21 porsyentong maliit o wala) sa survey noong Setyembre 15-23.

Mas mababa ito sa nakuha ni Robredo na 40 porsyentong net rating nito sa survey noong Hunyo (57 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 25 porsyentong undecided at 17 porsyentong maliit o wala).

Pinakamaraming nagtitiwala kay Robredo sa Mindanao (62 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 17 porsyentong undecided at 20 porsyentong maliit o wala).

Sumunod ang Luzon maliban sa Metro Manila (57 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 20 porsyentong undecided at 23 porsyentong maliit o wala).

Sa Visayas ay 34 porsyentong net trust rating (57 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 20 porsyentong undecided at 23 porsyentong maliit o wala).

Pinakamababa naman sa Metro Manila (50 porsyentong napakalaki at medyo malaking tiwala, 23 porsyentong undecided at 26 porsyentong maliit o wala).

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,500 respondents.

Read more...