69 pasahero 5 crew na-rescue sa nagkaaberyang bangkang de motor sa Cebu

NAILIGTAS ang 69 pasahero at limang crew ng isang bangkang de motor matapos itong magkaaberya habang papunta sa Getafe, Bohol. 

Nagkaroon ng sira ang MBCA MEME 5 sa karagatan ng Gilutungan, bayan ng Cordova, Cebu kung saan nailigtas ang mga pasahero ganap na alas-7 kaninang umaga.

Agad na dumating ang mga rescuer, medical team at divers ng Philippine Coast Guard para tulungan ang mga pasahero.

Read more...