Ito’y matapos namang ibasura ng Manila Regional Trial Court Branch 49 ang kasong droga laban kay Uy at ipinag-utos na palayain ito mula sa pagkakakulong noong Oktubre 25.
“Noong umpisa pa lang, sabi ko may malaking tao na tumutulong kay Yu Yuk Lai at Diane Uy,” sabi ni Aquino sa panayam ng Radyo Inquirer.
Tumanggi namang pangalanan ni Aquino ang umano’y protektor. Idinagdag ni Aquino na ayaw ring itong pangalanan ng isa sa mga testigo niya.
Iginiit naman ni Aquino na alam nito na siya ang kanyang tinutukoy.
“Yes, someone from the government. Katatapos lang namin hulihin, nakikialam na,” ayon pa kay Aquino.
Tiniyak naman ni Aquino na iaakyat ng PDEA ang kaso laban kay Uy hanggang Korte Suprema.