P54.4M halaga ng shabu nakumpiska sa Caloocan City

TINATAYANG P54.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa Caloocan City.

Base sa inisyal na ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nakuha ang mga droga mula sa tatlong suspek sa likuran ng Victory Liner Terminal Compound sa Monumento, Caloocan City ganap na alas- 10:30 ng umaga.

Tumitimbang ang shabu ng walong kilo, ayon pa sa NCRPO.

Agad namang nagtungo si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde at NCRPO chief Police Director General Guillermo Eleazar sa lugar para inspeksyunin ang nakumpiskang shabu.

Read more...