Ogie: Ako ang i-bash n'yo ‘wag ang asawa kong ginintuan ang puso... | Bandera

Ogie: Ako ang i-bash n’yo ‘wag ang asawa kong ginintuan ang puso…

Alex Brosas - October 30, 2018 - 12:40 AM

Ogie Alcasid at Regine Velasquez


GRABENG panglalait ang inabot ni Regine Velasquez sa isang basher who had a handle name @cheskaazurin.

Galit na galit ang netizen kay Regine at kung anu-anong masasakit na salita ang kanyang itinapon sa Songbird.

To the rescue agad ang husband ni Regine na si Ogie Alcasid who tweeted, “Teka teka, sino ang umaapi sa asawa ko? Ako na ibash nyo wag yung asawa kong ginintuan ang puso.”

“This is unacceptable! This basher is deranged!” Jed Madela wailed.

“Tapos sabay bura ng account? Bastos na duwag pa. Nakakabwiset po. Sorry Ms. Reg na naranasan nyo po ito.

Pero just know na madami po kami nagmamahal sa inyo,” say naman ni Yeng Constantino.

“Since naimbento ang social media nagkalat ang mga taong mapang abuso sa freedom of expression, or should I say, nagkalat ang mga nagtatapang tapangan sa mundo ng social media, eto yung mga taong nabubuhay sa sariling pantasyang ginagawa nila at galit na galit sa mga taong nagpapala TOTOO at tumatayo sa KATOTOHANAN, dahil sila, hindi nila matanggap ang katotohanan sa mga buhay nila.

“Sayang po oras niyo sa mga ganyang troll na pakalat kalat sa social media Ms. @reginevalcasid. Importante po yung milyong milyong TOTOONG nagmamahal sa inyo!” mahabang aria ni Daryl Ong.

Bakit ba sobra ang galit ng basher kay Regine? Baka boses palaka siya kaya ganoon na lang siya kainggit sa Songbird. Baka pakawala siya ng kalaban ni Regine. Baka walang nagmamahal sa kanya kaya galit siya sa mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending