Coco naging GMA star din noon, bumida sa Daisy Siete

GRACE NERA, COCO MARTIN, ARTHUR SOLINAP, CHECHE TOLENTINO AT SUGAR MERCADO


Napa-throwback ang dating Sexbomb dancer turned actress na si Rochelle Pangilinan nitong nagdaang weekend. Sa Instagram, isang lumang photo ang ipinost niya na kuha sa taping ng dating drama anthology ng Sexbomb na Daisy Siete.

Makikita sa litrato ang batambata pang Kapuso actor na si Arthur Solinap na asawa na niya ngayon.

Ayon sa Onanay star, sa Daisy Siete nabuo ang kanilang pagkakaibigan ni Arthur hanggang sa mauwi na nga ito sa seryosong relasyon.

Kasama rin ni Arthur sa photo ang sikat na sikat na ngayong si Coco Martin at Sexbomb girls na sina Grace Nera, CheChe Tolentino at Sugar Mercado. Umani ng maraming likes and comments ang nasabing photo, may nagulat pa nga na naging bahagi rin pala noon si Coco ng Daisy Siete na napanood sa GMA 7.

Ipinagbubuntis ngayon ni Rochelle ang panganay nila ni Arthur.

Read more...