PELIKULA, negosyo at adbokasiya tungkol sa mental health awareness at pagpuksa sa dengue at malaria ang gustong gawin ni Derek Ramsay next year.
Eh, pumasok ang offer ng GMA Network na kunin siyang contract artist kaya naman kumambyo na naman siya.
Nakausap ng press si Derek sa launching ng Royal Era Dynasty last Sunday sa grand ballroom ng Solaire Resort Hotel & Casino. Kasosyo niya sa investment ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.
Kung kelan desidido na siyang mag-concentrate na lang sa movies at negosyo, saka naman dumating ang offer ng Kapuso Network.
“I didn’t expect. Ang mindset ko talaga, pelikula-pelikula na lang. Una, take a break muna from showbiz and concentrate on stuff like these.
“Again, the Lord is blessing me with stuff like this so much and now, I am in talks with GMA and they are so kind enough to invite my parents during the meeting and I really, really like that.
“We had two talks already in a span of one week. They’re wonderful people,” kumpirmasyon ni Derek.
Ang gusto ng GMA Network ay magsimula na siya ng trabaho this month. Pero nakiusap siyang next year na siya magsimula para maibigay niya ang 200 percent niyang commitment.
Siyempre, gusto niyang magsama uli sila ni Jennylyn Mercado na nakasama niya sa dalawang Metro Manila Film Festival movies na “English Only, Please” at “All Of You.” Pero saad niya, hindi naman daw siya namimili ng makakatrabaho.
Teka, hindi ba siya naimpluwensiyahan ng kaibigan niyang si John na magtrabaho sa GMA ngayong nandoon na rin ito?
“John is my brother. It’s gonna be awesome na makasama ko siya sa GMA if ever it happens. Yes, isa siya sa mga malalaking reasons,” deklara ni Derek.
Habang waiting pa sa final negotiation with GMA, tinatapos ni Derek ang action movie with Jessy Mendiola mula sa direksyon ni Enzo Williams.
May special participation din siya sa festival entry ng Quantum Films na “The Girl In Orange Dress” kung saan hinimok niyang mag-guest din ang model-girlriend na si Joanne Villablanca.