Regine tuturuan ng leksyon ang mga bastos sa socmed | Bandera

Regine tuturuan ng leksyon ang mga bastos sa socmed

Cristy Fermin |October 30,2018
facebook
share this

Regine tuturuan ng leksyon ang mga bastos sa socmed

Cristy Fermin - October 30, 2018 - 12:33 AM


Grabe ang inabot na panlalait ni Regine Velasquez nang ipalabas nu’ng Linggo nang tanghali ang guesting niya sa ASAP na ginanap sa Sydney, Australia.

Lahat na yata ng kapintasan ay ibinato sa kanya ng mga bashers na halatadong walang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kaya si Regine ang pinagtuunan ng pansin.

Kung anu-anong kapintasan ang tinanggap ng Asia’s Songbird, tinawag siyang matanda, basag ang boses, balyena at kung anu-ano pang terminong nanunugat ng kalooban.

Napanood din namin ‘yun, pero sa tingin nami’y maayos naman ang kanyang pagkanta, lalo na ang duet nila ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

Nagkakaedad na rin si Regine, kaya ang paglusog niya ay hindi na maitatago, pero carry niya naman ‘yun dahil magaling sa projection ang singer.

Dahil du’n ay napikon na rin ang singer-actress, kikilos na siya, gusto niyang bigyan ng leksiyon ang mga taong sobra-sobrang namba-bash sa kanya.

Idinagdag din niya na hindi ngayon at hindi siya kumikibo ay pababayaan na lang niyang lait-laitin siya, kaya rin niyang lumaban, kakausapin na ni Regine Velasquez ang kanyang mga abogado para makapag-file siya ng kasong cyber bullying.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending