Female celeb tuluyan nang nakatakas sa asawang tamad, buhay-dalaga na uli

AYON sa kanyang mga kaibigan at katrabaho ay parang ngayon pa lang nagdadalaga ang isang seksing female personality na meron nang mga anak sa nakaraan niyang relasyon sa isang male personality.

Matagal na naging problemado sa kanyang lovelife ang babeng personalidad, urong-sulong ang relasyon nilang mag-asawa, hanggang sa nagdesisyon na ang female personality na tapusin ang kanilang relasyon.

Kuwento ng aming source, “Siya na mismo ang nag-file ng annulment, siya na ang gumastos, dahil ang feeling niya, e, walang mangyayari kung hihintayin pa niyang kumilos ang husband niya.

“‘Yun nga ang isa sa mga reasons kung bakit gusto na niyang makawala sa matagal nilang relasyon, may katamaran ang mister niya, siya lang ang palaging kumikilos para sa pangkabuhayan showcase nila,” madiing sabi ng aming impormante.

Matagal bago naisakatuparan ng female personality ang kanyang pangarap na makahiwalay na nang legal sa kanyang asawa, ilang taon pa ang hinintay niya, kaya ganu’n na lang ang kaligayahan niya nang lumabas na ang resulta ng kanyang petisyon sa korte.

“Wala siyang kasing saya ngayon. Parang bagets siya na ngayon pa lang nagdadalaga. Parang ngayon pa lang siya nagbu-bloom. Sabi nga niya, e, may kasalanan din naman siya sa nangyari sa buhay niya.

“Napakabata niyang umibig, nagpadala siya agad sa nararamdaman niya, samantalang ang ganda-ganda ng takbo ng career niya nu’ng mga panahong ‘yun.

“Pero nabigo siya, hindi niya naisip na ganu’n pala ang kahahantungan ng pagsasama nila.

“Siya lang ang gumagalaw, may katamaran ang husband niya, parang tumigil na sa pangangarap ang guy!

“Ang mga anak lang nila ang iniisip ng girl, ayaw niya sanang lumaki ang mga anak nila sa isang broken family, pero hindi na niya kinaya ang sobrang katamaran ng asawa niya.

“Ngayon, libreng-libre na siya, malaya na siya, kaya para siyang bata na ngayon pa lang pinayagan ng parents niya na maglaro sa kalye.

“Madaling tumbukin kung sino ang girl, kapangalan niya ang singer na kalulundag lang sa kabilang network. Getlak nyo na, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source.

Read more...