Bela pang-best actress ang akting sa MMK

Bela Padilla


Kakaibang Bela Padilla ang napanood ng televiewers sa Halloween episode ng programa ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya last Saturday. Ginampanan ni Bela ang real-life character na si Charo Abraham na ipinanganak sa Magallanes, Sorsogon.

Lumaki si Charo (Bela) kasama ang walo pa niyang kapatid na nakaranas ng istriktong paraan nang pagpapalaki from both their Catholic and ex-teacher parents. Pero natatangi si Charo sa paningin ng
kanyang mga magulang lalo na kanyang ama.

Nagbago ang takbo ng buhay ni Charo nang bigyan siya ng anting-anting ng isang matandang lalaki sa Tawi-Tawi. Hanggang sa namatay ang ama at kung anu-ano ng pagsubok ang pinagdaanan niya.

Dahil sa mahusay na pagganap ni Bela sa MMK, posibleng makakuha ng parangal ang aktres for TV next year.

Gayundin ang iba pang kasama sa episode na sina Mon Confiado, Art Acuna, Kathleen Hermosa at si FDCP Chair Liza Dino. Ang episode ni Bela sa MMK last Saturday ay sa direksyon ni Nuel Naval.

Read more...