MALAYO pa sa isip ni Kiray Celis ang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend more than a year now na business partner din niya. Plano niyang mag-settle down kapag 34 years old na siya.
“Gusto ko munang i-enjoy ang sarili ko. Gusto kong makapag-ipon para bago ako ikasal or bago ako magkaanak, hindi mangyari ‘yung na-experience ko noon sa buhay na naghihirap kami. Na kailangan na ako pa mismo ang magtrabaho para sa family ko. And, ayokong mangyari ‘yun sa anak ko na siya pa ang magtatrabaho para sa akin,” lahad ni Kiray.
Nakausap namin ang aktres sa presscon ng action-horror movie na “Class Of 2018” directed by Bems Gohetia at showing na sa Nov. 7.
Hindi naman daw lingid sa marami na siya ang nagpaaral sa mga kapatid niya pati mga pamangkin. Sa kanya rin nakatira ngayon ang mga kapatid at pamangkin.
“Ngayon, I realized na hindi pala pwedeng wala kang tinitira para sa sarili mo. Kasi sa ngayon, ha, hindi ko naman sinasabi na gusto ko nang magbuntis, hindi ko masasabi ‘yung buhay ko kung hanggang kailan din ang trabaho ko.
“Kung hanggang kailan ako kukunin? Baka tomorrow, ‘Ay, buntis na ako?’ ‘Di ba may mga ganyang bagay? So, wala akong naitira para sa sarili ko. Lahat binigay ko buung-buo sa pamilya ko,” sey ni Kiray.
‘Yung kinikita raw niya sa kanyang Chicks And Finns resto na matatagpuan sa Mendiola ang sini-save niya for her future. And the rest of her income sa showbiz, ‘yun ang napupunta for her family.
Kabibili lang niya bagong bahay para sa pamilya niya. Apat na floors daw ‘yun kung saan ‘yung tatlong floors ay pinapaupahan nila. Plano rin niyang bumili ng bagong kotse para sa kanila.
“Kung sapat na po ang naipon ko? Going there and I’m so thankful kasi nu’ng naisip ko na gawin ito para sa sarili ko, hindi natatapos ‘yung trabaho ko. Wala pa akong sariling bahay kasi inuuna ko ang pamilya ko. Mas importante sila sa akin,” sabi pa ng dalaga.
About her non-showbiz boyfriend, matagal na raw silang magkakilala. Hanggang sa nagkaroon ng chance na makapag-usap sila uli at bumilib naman siya doon sa guy. Okey daw pala itong kausap at pareho sila ng ugali.
Nilinaw naman ni Kiray na kahit mag-partner sila sa negosyo, joint account na rin sila sa bangko. Kanya-kanya pa rin daw sila ng pera ng boyfriend niya.
Madiin ding itinanggi ni Kiray ang balitang nagli-live in na sila ng boyfriend niya. Although, open naman daw siya sa ideya ng pakikipag-live in. But first, gusto muna niyang gumawa ng bagay na ikaka-proud niya sa sarili.
Wala tayong nakikita na any post sa kanyang social media account about her non-showbiz BF. Ayaw daw kasi niya na maraming makialam sa relasyon nila, “Kasi totong buhay na po ‘to, e. Pero choice naming pareho kasi hindi naman namin kailangan. Hindi rin kami nagtatago dahil nakikita naman kami ng mga tao na kumakain sa labas, nanoood ng sine.”
Anyway, sobrang happy si Kiray na nagkasama-sama ulit sila ng mga original members ng Goin’ Bulilit sa bagong movie offering ng T-Rex Entertainment, ito ngang “Class Of 2018.
Bida sa movie ang dating magkalabtim na sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas, plus si Kristel Fulgar at ang dating kalabtim ni Kiray sa Goin’ Bulilit na si CJ Navato.
“Parang hindi kami umaarte at all. Ang sarap ng pakiramdam na ‘yung mga kababata mo, e, katrabaho mo,” ani Kiray.
Pinaka-close siya among her batch sa GB kay CJ dahil loveteam sila before. Pero ngayon, kay Kristel na pini-pair si CJ, “Wala naman akong paki (sa loveteam nina Kristel and CJ),” biro ni Kiray. “Sa kanya na (si CJ). Buong-buo. Ha-hahaha!”