Kris magmamakaawa sa mga doktor para lang makatrabaho sina jessica at willie

Kris Aquino at mga anak na si Josh at Bimby


MAGMAMAKAAWA si Kris Aquino sa doktor niya sa Singapore para lang makatrabaho sina Willie Revillame at Jessica Soho.

Ayon sa Social Media Queen matagal na niyang gustong maka-collaborate ang dalawang Kapuso celebrities, dream come true para sa kanya sakaling mabigyan siya ng chance na makasama sina Jessica at Willie sa isang proyekto.

Sa video na ipinost ng Kris C. Aquino Productions (KCAP) sa YouTube channel ni Tetay, mapapanood ang ilang updates tungkol sa kanyang buhay at kalusugan. Dito niya ibinalita kung gaano karami ang gamot na iniinom niya at kung ano na ang nangyayari sa kanyang mga negosyo at digital platforms.

“I miss TV, but TV requires long hours, I cannot give that,” ani Kris na hindi pwedeng magpaka-stress sa trabaho dahil nga sa kanyang health condition.

Pero aniya, gagawin niya ang lahat para sa dalawang taong matagal na niyang nais makatrabaho, “One is Jessica Soho and the other one is Willie Revillame. Kung magkaroon man, anytime in the future and it’s just once a week…magmamakaawa ako sa doctor ko sa Singapore — ‘yong health certification, pirmahan niya.”

Aniya, mataas ang respeto niya kay Jessica, ” And she was always nice to me.” Bumilib din daw siya sa Kapuso broadcast journalist nang magkasama sila sa coverage ng Japanese royal wedding. “Nagalingan talaga ako sa kaniya from before,” chika ni Tetay.

Samantala, hindi na binigyan pa ni Kris ng pag-asa ang kanyang mga fans na nagsasabing bagay sila ng kaibigang abugado na si Atty. Gideon Peña.

Sa part 2 ng “Life Update” video ni Kris, natanong kung ano na ang nangyari sa relasyon nila ni Atty. Gideon, “Parang huwag na silang umasa. Parang tanggap ko na I don’t want to be a burden on anybody.

“Kanina sinabi mo na, ‘Ang dami palang gamot, na alagain.’ E, totoo naman, e, ayaw kong maging pabigat.

“I live each day as it comes right now. And I’m super talagang grateful to any additional day,” paliwanag pa ng Reyna ng socmed.

Nakakasama ni Kris si Atty. Gideon sa ilang projects ng KCAP, “He might join the team. He’s here, actually, because I said, ‘Before you decide, can you see if this is the world that you can be comfortable with?’

“We realized, minsan without my meaning to, nagva-violate na ako ng kontrata sa dami ng overlap. So ang sinabi ko, we actually need someone who can summarize everything.

“His mom super loves me, so sinabi ko sa kaniya na, ‘Take the job.’ Pero sinabi ko, ‘No, tingnan mo muna kung gusto mo. Kasi, kung gusto mo, it would be great.

“At least, lawyer ka, alam mo na hindi ako nagva-violate.’ Di ba, alam mo naman, kung hindi mo type ang mundo natin, hindi mo matatagalan.”

Sa ngayon, hindi priority ni Kris ang lovelife, mas gusto niyang i-secure muna ang future ng mga anak na sina Bimby at Joshua, “Parang gusto ko na okay muna sila, bago ako.”

Ayaw din niyang sayangin ang mga blessings na dumarating sa kanya ngayon kaya work siya nang work, “This opportunity, it doesn’t come. Suwerte ako na it came twice in a lifetime. I was able to reinvent myself, why will I waste this? Tanggapin na natin, parang hindi yun ang itinadhana at hindi sinuwerte du’n (lovelife).

“Pero parang dito naman binless tayo ni God, so alagaan na natin ito,” aniya pa.

Read more...