Vice kay Regine: Mas mahal kaya kita kesa sa dyowa ko!

Vice Ganda at Regine


“HINDI ko siya idol. She’s my hero!” Ito ang ipinagdiinan ni Vice Ganda nang mag-guest sa Gandang Gabi Vice last Sunday ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Ayon kay Vice, si Regine mismo ang nagsabi na gusto niyang sa GGV unang mag-guest kapag isa na siyang certified Kapamilya. Nais daw kasi ng Songbird na masabi on national TV kay Vice kung gaano siya ka-proud
sa tagumpay na narating ng TV host-comedian.

Sabi ni Regine kay Vice, “Kasi nakita kita noong bata ka pa and how you started, feeling ko kasali ako doon. Although hindi naman talaga ako kasali, pero I just feel so proud of you. I’m so so proud of you in what you have achieved and every time, kapag nanonood ako ng Showtime, you help people and you plant a seed even—the things that you say to the contestants, minsan lokohan pero minsan meron kang time na binabawi mo, nagiging serious ka.

“And I’m proud, kaya gusto ko maunang mag-guest talaga dito, dahil gusto kong sabihin sa ‘yo that I am very very proud of you,” aniya pa.

Ayon naman kay Vice, napakalaki ng impluwensiya ni Regine sa kanyang career, “At talagang bahagi ka nito, malaki kang bahagi. When I had the chance to talk to Ogie Alcasid, your husband, tinanong niya ako, ‘Alam mo, damang-dama ko, mahal na mahal mo asawa ko. Bakit mo siya idol?’

“Sabi ko, ‘Alam mo, saying that Regine is my idol is an understatement. Hindi ko siya idol. She’s my hero!’” pahayag pa ng komedyante.

Inalala pa ni Vice ang eksena nang mag-guest siya sa isang birthday special ni Regine. Singit naman ng Songbird, “Pero alam mo, parang not everybody knows that you used to that, na nagre-Regine po talaga si Vice, so ibig sabihin mataas talaga boses niya.”

Ayon naman kay Vice, “Oo, kaya you’re my hero. Ang laki ng bahagi mo sa buhay ko. You gave me the confidence to sing, you gave me someone to emulate.

“You are someone who has been inspiring me ever since mula noon hanggang ngayon. Kaya mahal na mahal kita. Nasa puso kita. Mas mahal kita kaysa sa dyowa ko, promise!” sey pa ng Unkabogable Star.

Read more...