Live coverage sa Ampatuan? Teka…

UMIIGTING ang panawagan ng Kaliwa at iba pang grupo para sa live

ARTIST Ala Paredes, daughter of singer and songwriter Jim Paredes, shows witness Ampatuan Vice Mayor Rasul Sangki on the stand with an interpreter at the trial in Camp Crame. INQUIRER

network coverage sa pagdinig sa mga kaso ng Ampatuan, lalo na ang kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
At, nakalulungkot na isa sa mga grupong nananawagan ng live coverage ay kinabibilangan ng mga journalists mismo (mukhang di kumober ng korte ang mga ito).
May mga panuntunan sa korte na hindi dapat ipabatid sa madla ang nagaganap sa bista, lalo na kung ito ay maselan.  Sa yugto ngayon, nasa presentation of prosecution evidence ang bista.  Na ang ibig sabihin ay lahat ng testigo ng taga-usig ay maghahayag ng kanilang nalalaman.
Panuntunan sa ganitong yugto na ang pahayag ng isang testigo ng taga-usig ay di dapat marinig ng susunod na testigo ng taga-usig.  Igigiit ito ng depensa at may mga huwes na sinusunod ang ganitong panuntunan kahit na may pagtutol dahil ang pahayag sa korte ay kailangang natatangi sa isang testigo at di niya kinopya sa kapwa testigo.
Dahil kapag narinig ng ikalawang testigo ang pahayag ng unang testigo ay yan din ang kanyang sasabihin, tututulan ito ng depensa dahil parehong plaka ang inihahayag ng taga-usig.
Sa live coverage, baka makatulong pa ito kay Ampatuan (kung lutuan ng kaso ang pinangangambahan ng Kaliwa, parating nariyan ang transcript of stenographic notes na maaaring suriin at pagbasehan).

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011310

Read more...