Bumait bigla si Erap?

NAKATAAS ang kilay ng ilang taga-Palasyo nang dumalo si ex-President Joseph Estrada sa pulong ng National Security Council para talakayin ang kaayusan ng eleksyon sa Mayo at mga banta rito, lalo na sa mga hot spots.
“Biglang bumait si Erap,” anang isang opisyal. Nakapagtataka dahil sa kanyang pag-iikot at pagbisita sa maraming sulok ng bansa (namahagi siya ng pera rito), binabanatan niya ang administrasyon at si Pangulong Arroyo.
Pero, nang irekomenda ng Department of Justice na kasuhan ng double murder si Sen. Panfilo Lacson, na malapit kay Erap at iniangat niya bilang hepe ng National Police kahit maraming senior officers and nilampasan, naging tahimik si Erap.
Bakit, isusunod na ba siya sa mga idaragdag na kakasuhan sa Dacer-Corbito case?  Talagang nakatatakot limiin.  Kapag isinunod si Estrada (bakit naman isusunod eh paulit-ulit na ikinakaila ni Erap na may kinalaman siya sa krimen?), wala nang resthouse arrest.

LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011210

Read more...