TUWANG-TUWA at super kinilig ang stand-up comedian na si Ate Gay nang dahil kay Coco Martin.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng gay comedian ang palitan nila ng message ng lead star ng seryeng Ang Probinsyano sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa IG.
Pinadalhan ni Ate Gay ng mensahe si Coco sa IG, aniya, “Nasa Bacolod ka. Nakita kita airport. Hehehe.”
After 30 minutes, sumagot daw ang Kapamilya actor sa kanya at sinabing, “Sayang di tayo nagkita. Manila npo ako now.”
Na sinagot naman niya ng, “Ang saya ko naman sumagot ka hahaha. salamat mwaaah.”
Ipinost ni Ate Gay sa IG ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng Teleserye King at nilagyan ng caption na, “Eh yung Napasaya nya ako ng sobra sa pagsagot nya hahaha! Ang sayaaaaaah koooooooooh.”
Ilang followers naman ni Ate Gay ang nanawagan kay Coco na kunin ding guest si Ate Gay sa seryeng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.