Netizens awang-awa sa karakter ni Kris, pak ang akting


Samantala, ilang netizens naman ang nakisimpatya sa karakter ni Kris Bernal sa serye. Awang-awa sila sa aktres na gumaganap bilang si Rachel, ang asawa ni Nathan na naghihinalang may kabit ang mister.

Napakagaling din daw ni Kris sa mga confrontation scene nila ni Jason, lalo na ang katatapos lang na eksena kung saan pilit niyang pinaaamin ang asawa dahil sa nakuhan niyang lipstick sa kanilang kwarto.

Patuloy na tutukan ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Kasama rin dito sina Jean Saburit, Ricardo Cepeda, Maricris Garcia, Rayver Cruz at marami pang iba. Si Thea Tolentino naman ang gaganap na Venus kapag naging transwoman na si Nathan.

Read more...