Du30 iniutos na pawang militar ang italaga sa BOC | Bandera

Du30 iniutos na pawang militar ang italaga sa BOC

Bella Cariaso - October 29, 2018 - 02:38 PM

INIHAYAG ni Pangulong Duterte na pawang militar ang itatalaga sa Bureau of Customs matapos namang sibakin ang lahat ang mga opisyal ng BOC sa harap ng kontrobersiya hinggil sa nakalusot na P11 bilyong halaga ng shabu na nakalagay sa apat na magnetic lifters.

“They will be replaced all — all of them — by military men. It will be a takeover of the Armed Forces in the matter of operating in the meantime while we are sorting out how to effectively meet the challenges of corruption in this country,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano sa Davao City, kagabi.

Kasabay nito, inatasan ni Duterte ang sinibak na mga opisyal na magreport direkta sa kanya at mag-opisina sa gymnasium ng Malacanang.

“All police — Customs police are also on floating status, everybody. The Customs Intelligence Unit, they are to report to Malacañan, all of them. I am ordering everybody to report to my office. Maybe I’ll issue the memorandum. I do not ha — yeah, I have yet to sign it. They will — they will hold office there at the Malacañan gymnasium. Lahat,” dagdag ni Duterte.

Matatandaang bagamat sinibak ang lahat ng opisyal ng BOC, inilipat naman ni Duterte si dating Customs commissioner Isidro Lapena bilang Director General ng Technical Education and Skills Development (TESDA).

Noong Sabado, ipinagtanggol ni Duterte si Lapena at maging si dating Customs commissioner Nicanor Faeldon sa pagsasabing kapwa nalusutan lamang ang dalawa sa BOC.

Itinalaga ni Duterte si dating Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Customs Commissioner.

“So, I told Jagger (Guerrero) to take the technical soldiers diyan sa Armed Forces, maybe the technical group of the Philippine Army, the technical group of the Philippine Navy and of the Air Force,” ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, ipinagtanggol ni Duterte ang pagtatalaga ng mga militar sa BOC.

“Ngayon kung bakit nga bakit nga puro military? Isang sikreto lang, tingnan mo ang Boracay — Pilipino man tayo lahat. Kung ibinigay ko ‘yan sa mga civilian bureaucracy, malinis kaya ‘yan nang ganun?” ayon pa kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending