#KrisLaban: I was born to be a fighter…I refuse to lose!

SA pamamagitan ng Facebook, nagbigay ng three-part “life update” si Kris Aquino para sa lahat ng kanyang supporters na nagtatanong about her health and career.
Dito inulit ng Social Media Queen na ilang gamot ang iniinom niya araw-araw para sa hypertension, bouts with migraine at allergy bukod pa sa mga vitamins. Inilarawan pa nga niya ang sarili bilang isang “walking pharmacy” sabay sabing, “At least buhay.”
Tungkol naman sa demanda niya laban sa taong nanloko sa kanya kung saan milyones ang sangkot na halaga, ayaw nang magdetalye pa ni Kris about this dahil baka makaapekto pa sa kaso at mag-benefit pa ang akusado.
Pero ipinagdiinan niya na hindi lang pera ang ipinaglalaban niya rito dahil maaari pa naman niyang kitain ito, mas nag-aalala siya na baka ma-stress din ang kanyang mga anak dahil sa pag-aalala sa kanya.
“It was my health that suffered…I would not have taken it to this level had it not been my health, and had it not been my children suffering,” ani Kris.
Sinagot din niya ang mga bashers na nagsasabing mayabang siya kaya raw karma ang inabot niya.
“If gusto ng marami lumagapak ka at hindi ka na makabangon then kailangan bilib ka talaga sa sarili mo. Because I was born to be a fighter and I really refuse to be left on my knees. I refuse to lose,” palabang mensahe ni Tetay.
Ipinagdiinan din niya na lahat ng meron siya ngayon ay pinaghirapan niya, “Hindi naman ninakaw ang pinambayad ng aming mga bahay at lupa, huwag na akong diktahan na ibalik ang buhay namin sa kadiliman.
“No go. My belief is simple, do not harm yet accept no bullying either. Life is too short to spend it explaining my actions to people preconditioned to misunderstanding. I prefer to breathe.”

Read more...