Regine: Hindi porket hindi ako nagsasalita eh, ok lang na bastusin n’yo ako!
Nagbantang ipakukulong ang mga bastos na bashers
PLANONG kasuhan ni Regine Velasquez ng cyberbullying ang mga netizens na patuloy ang pamba-bash at pambabastos sa kanya sa social media matapos iwan ang GMA 7.
Talagang niresbakan ng Songbird ang isang basher na kung anu-anong malilisyosong mensahe ang ipino-post laban sa kanya. Kahapon ng madaling-araw, sunud-sunod ang tweet ni Regine laban sa netizen na may handle name na @cheskaazurin.
Nauna munang inirepost ng misis ni Ogie Alcasid sa Instagram ang mga message ng netizen na nang-aaway sa mga fans ni Regine, lalo na sa mga nagtatanggol sa paglipat niya sa ABS-CBN.
Ayon sa basher, magpo-focus na lang daw sila ngayon sa mga younger singer at hindi parang balyena ang katawan. Ayaw na rin daw nila sa parang basag na lata ang timbre ng boses at trying hard mag-English. Sinagot naman ng ilang followers ni Regine ang basher.
Unang warning ni Regine sa basher, “My dear magingat ka sa mga sinasabi mo.” Na sinundan pa nga ng magkakasunod na tweet na may himig na ng pagbabanta.
“Again WORDS ARE VERY POWERFUL. hindi porket hindi ako nagsasalita eh ok lang na bastusin nyo ko. Hindi kayo [ang] iniwan ko!!!!!!””
“Can someone enlighten me about cyber crime please. I think it’s about time we put these kind of people to jail. You think it’s only words that you don’t really hurt us well you’re wrong.
“Dapat hindi na ito pinapalampas hindi natututu eh sobra na. Can you imagine if this is our kids!!!! Oh my gosh!!!! Kung ako ang tandang ko naaapektuhan pano pa yung mga bata. Please someone help me with this,” matapang pang pahayag ng Songbird.
“Just want to make this clear hindi ako pumapatol, I want to teach these people a lesson. #NoToCyberBullying!” hirit pa ng singer-actress-TV host.
Sa huli, inamin naman ni Regine na naapektuhan talaga siya sa mga pang-aalipusta ng ilang netizens, “I’m a bit emotional today but I think I have a point. Why do we let these people hurt us??? That’s my question.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.