Regine sa mga marshall ng ABS-CBN: Hindi na ako illegal dito, pards!

REGINE VELASQUEZ

Ngayong tanghali na mapapanood ang unang pagtapak ni Regine Velasquez sa ASAP stage. Ito ‘yung naganap na ASAP Live In Sydney sa Australia kung saan nakasama rin ng Songbird ang asawang si Ogie Alcasid at iba pang big stars ng ABS-CBN.

Ngayong gabi rin eere ang unang guesting ni Regine sa Gandang Gabi Vice. Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Regine ang litrato nila ni Vice sa loob ng GGV studio kasama si Ogie Alcasid na may special appearance sa nasabing episode.

Samantala, nag-post naman ang ABS-CBN business unit head na si Lui Andrada sa Instagram ng isang video kung saan makikita na pumapasok si Regine sa studio ng ABS-CBN gamit ang kanyang ID.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng Songbird na proud na proud sa kanyang ABS-CBN ID. Sabi pa niya sa mga marshall, “Hindi na ako illegal, pards!”

“Illegal” ang tawag ni Regine sa sarili kapag pumapasok siya noon sa ABS-CBN building para dalawin si Ogie kapag may taping.

Read more...