MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Isa po akong empleyado sa shipment ng isda sa Navotas.
May 10 years na rin po ako na nagtatrabaho roon pero nagdesisyon po ako na mag-resign kasi masyadong mahirap ang trabaho na pinapagawa sa akin.
Masyadong loaded ang trabaho ko. Bagaman wala pa po akong nahahanap na trabaho sa ngayon siguro naman ay madali rin akong makakapag-apply ng trabaho.
Nag file ako ng irrevocable resignation noon pa pong Oct. 15 at may one month ako para maging effective ang aking resignation.
Gusto ko lang po sana na magtanong sa DOLE kung sa isang tulad ko na nag-resign na sa trabaho, may matatanggap po ba ako na benipisyo at ano-ano pong benefits ang maaari kong matanggap? Malaking tulong po na masagot ninyo ang aking katanungan.
Maraming-maraming salamat po.
Rjay Serrano
REPLY: A voluntarily resigned employee is not entitled to a separation pay but he/she can receive a pro-rated 13th month pay, last pay and the monetary value of the unused leave credits provided it is in the company policy or CBA.
Thanks!
Yours truly,
CATHERINE MARIE E. VILLAFLORES, MDM, MA, Ed. D.
Chief Administrative Officer
DOLE 1349 Hotline
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.