Paalam na po muna

MAMAMAALAM na ang inyong ligkod dahil ito na ang huli kong column sa Bandera.

This is my swan song, ‘ika nga.

May patakaran ang Bandera, at maging sa INQUIRER, na kapag ang isang columnist, editor o reporter ay nahirang sa isang puwesto sa gobyerno, pakikiusapan siyang umalis.

I have been officially appointed by President Digong to become special envoy to China, kaya’t dapat ay magpaalam na ako.

Nagsimula akong magsulat ng column sa Bandera mga ilang taon matapos mabili ito ng pamilya Prieto sa mga Gokongwei noong year 2000.

I started with a bang sa Bandera dahil ako ay front-page columnist ng tabloid na ito for many months.

No holds barred ang aking column dito. Hindi sine-censor at ini-edit basta lang makatotohanan ang sinusulat ko.

Ang Bandera ay nangunguna sa circulation sa Kabisayaan at Mindanao at pangatlo sa Metro Manila at Luzon.

Nagpapasalamat ako sa pagkakataon na magsulat ng column sa prestihiyosong tabloid na ito.

Nagpapasalamat din ako sa mga readers ko sa kanilang tiwala sa aking kakayahan at kredibilidad bilang isang columnist.

Hindi naman ako tuluyang mawawala dahil ako’y may araw-araw na public service program, Isumbong mo kay Tulfo, sa DZRP tuwing alas 9 hanggang alas 10 ng umaga sa 738 khz sa AM sa pihitan.

I will continue to write my opinions sa aking Twitter account at Facebook page.

Kaya’t inaanyayahan ko kayo na i-follow ninyo ako sa Facebook at Twitter.

Read more...